Isang makabagbag damdaming pagsasalaysay sa aking karanasan noong ADNFest 2016.
Ihanda ang panyo, sapagkat dadanak ang luha at uhog.
CHERET!
hahahaha
Hello mga beh! Kumusta naman kayo? Ako, heto, #GandaProbs pa rin. *flips shiny side bangs*
Ay wait, wrong number. ADNFest 2016 blog pala itetch. Hahaha
So hemingway, di ko na maalala kung kanino bang idea tong lahat kami sa OrgComm daw mag-share ng experience namin sa ADNFest. It’ll be fun, they said. Heto ako ngayon… 🎶basang basa sa ulaaaan🎶 hahaha heto ako ngayon at nahihirapan mag-isip what I want to share with you guys. Ano ba kasi ang isheshare eh naibigay ko na ang lahat… ang buong buhay ko, pati lablayp ko sa buong 2 months ng preparations for this epic event? Char! Pero naman, the struggle is real ha, kasi #TeamAbroadNgangaSaGanap ako. #Sadlayp
Sige ganito na lang. Simulan natin sa pinakasimula. 🎶Let’s start at the very beginning… a very good place to start...🎶 (umamin ka, kung alam mo ang Sound of Music, kinanta mo yan! 😂)
So ayun na nga, based on my birthday, I was conceived around mga mid June 1980 something… ay teka sobrang simula pala baka sa next ADNFest na ako matapos hahaha
Sige, simulan na lang natin kung paano ako napasabit dito.
Ganito kasi yan. Adik kasi ako sa twitter. If you follow me there, you’d know that I’m online 24/7. Kaya nung new pa lang our GC ng Team Butchikik, isa ako sa pinaka-active. I remember one day, around June yata, nabanggit ni Mother MJ sa GC yung dream nya na yun nga one huge GT ng ADN, yung open for all, especially team no group. So nun pa lang, we got excited na. Like as in nag-isip na ng venue. I will never forget because I was with my bff then (na hindi pa rin yata alam how much of a MaiChard/AlDub fan I am), we were driving sa may downtown L.A. to meet up with another friend, then may kinukwento sya but obviously I wasn’t paying attention because I was replying sa GC LOL then she told me na itago ko daw muna phone ko. Hahahahah So anyway, so ayun venue ang pinapag-usapan and I couldn’t contribute because I know nothing na sa Manila. Pero natapos yung kwentuhan, natulog mga tao, nakalimutan.
Then come early August, na bring up ulit the topic and this time, nag-release na agad ng survey. I was not an OrgComm pa that time. So after the survey, shempre napag-usapan yung event sa GC na ganito ganyan ganire ganon, doon dito, 🎶sino bang dakila, sino ang tunay na baliw?🎶 Eh ako, bilang Team Abroad #SaklapLayp, lungkot-lungkutan diba. Dramarama ang peg ko because #PAANO ako makaka-join?
So because makapal naman my face and feeling close kay Mother, on August 14, I DM’d her: #ResiboPolicy
O diba, inabala ko pa her pag-plantsa. Take note, that’s 1:36 PM PDT, meaning 4:36 AM PH time yan na nagpaplantsa sha. Isang ulirang ina talaga.
So na-excite ako diba? I told myself na yay! may committee na agad akong nasalihan, kahit di ako maka-attend, I’ll be able to contribute! Sobrang proud ko sa sarili ko, bes! 😄
Then I opened yung GC where she added me.
They were already in the middle of discussing whether open field or basketball court yata or something yung venue. But the concern was the weather. Paano daw pag umulan, bumagyo, chorva chenes. Tahimik lang ako. Nag-pabebe hi lang ako. Kasi isip ko, oh wow! Ang seryoso ng committee na to!
Then nag-hi sila lahat sa’kin isa isa. Ang saya! Feel ko agad na I belong. Then I checked the participants list nung GC and counted 10 people, including me. I knew them all na kase sa TBK GC, so ang saya diba kasi hindi ako ma-aawkward because kilala na din nila ako. Then tuloy lang their discussion, ang bilis ng messages, bes, kase they were seriously discussing nga the venue.
Then it started to sink in.
I said, wait lang, ano ‘tong napasukan ko? Tama ba ‘to?
I was expecting a small committee na bibigyan ng assignment. I thought na ganun yun. Then I realized na oh shoot, OMG core pala to. Pinagpawisan ako ng malamig, bes. Pati kili-kili ko yata namawis. Muntik ako umatras kase again, #PAANO diba?
But I told myself (Oo na, I talk to myself a lot. Walang basagan ng trip!), kayanin mo self, andyan ka na. Nakakahiya sa kanila na nag-voluteer volunteer ka, tapos aatras ka. So after a huge lunok ng hiya, sumali ako sa usapan. Kapal ng mukha ko I swear. I started giving my inputs, they shared the folders and files with me, nag-volunteer pa ako ayusin the folders. Then yun, nagtanong sila kung anong committees ang hahawakan namin bawat isa. Ang tahimik ko na naman, bes. Kasi they asked kung san daw ako magaling. Hahahahaha tinawanan ko yata sila. Kase bes, huhubells I know nothing about organizing events! Naisip ko na lang, since ang line of work ko naman now is Accounting, napunta ako sa Finance. So yay! Ok sige, bffs naman kami ng excel and google sheets so gorabels! keribels! Keribam bam bam!
So dun nag-start yung totoong duties. Take note na never nag-turuan dito na ikaw dyan, ikaw dito. Lahat volunteer, tipong sige ako na dito, ako na don. Yun yung sobrang minahal ko sa small group na to. Huhubells mahal ko kayo OrgComm, sagad!
Okay, mamaya na ako iiyak. Tuloy ko muna kwento ko.
So sa finance shempre, ano pa ba ginagawa kundi magmanage ng finances diba. Kasama ko dito si Ate Shine and si Jill. So shempre sa committee namin yung paghanap ng sponsors kasi nga finances. Eh since makapal face ko, nag-volunteer ako na sige gow, ako na ang magsesend ng letters. But the problem was uhm I’ve never done that before. Bes, Political Science yung major ko, Bes. What do I know about Marketing? Waley. Zero. Nada. Kahit tuldok. So, shempre hanap kami ng help. If there’s really one thing to describe this fandom or to remember it by, aside from A&M, it’s really the bayanihan. Hindi ka mauubusan ng nag-ooffer maghelp. So we asked for help and help poured in. Shout out to Mama Ruthie for putting together the first draft of sponsorship packages! It made our lives so much easier. Mother and Ate Shine just had to tweak them a bit, then write simple cover letter, so yay! I just transferred over sa letterhead ng adnfest and voila! Ready to go na the letters! Pero Bes, shempre may letter na pero haller, san namin isesend? Hahahah So I made a list ng lahat ng endorsements ni Maine and Alden individually and together. I scoured the interwebs to get contacts. That’s where I started. Pero yung mga nakuha kong contacts shempre mga tipong general customer service chorva lang nung mga companies. Pano kami mapapansin diba? So the Finance team and mga TBK and friends of friends and random people sa fandom to the rescue! As in we got random DMs pointing us to the right people. Ang galing and bilis ni God magbigay ng solution eh. Di ko na kayo iisa-isahin, you all know na who you are, but thank you sobra sa paghukay and sisid sa FB, google, IG, Twitter, sa mga kakilala, sa mga hindi kakilala, sa mga tao sa kanto, and sa mga kapatid ng pinsan ng lola ng tatay ng asawa ng uncle ng ninang ng kinakapatid ng ampon ng kapitbahay nyo for contacts! Ang galing lang talaga eh!
Pero here’s the disadvantage of being the one in charge of sending sponsorship letters: ikaw din ang magmomonitor ng replies. Ang hirap bes, kase after every send ko ng email, halos di ako nakakatulog kakahintay ng reply. Alam nyo yung feeling na nagsend ka ng secret letter sa crush mo confessing your feelings, tapos mega wait ka ng reaction from him/her? Yon. Yun ang feeling bes! Ang hirap diba?
It took days to even get one reply. And the very first one who replied, without any doubt, questions, or reservations on who we were was Ms. Mary. Goosebumps, Bes. You know why? Mamaya ko na explain, Bes. Basta remember her name. Pero yun nga, sobrang thank you to Ms. Mary of Neozep, dahil sila yung unang unang nagtiwala sa amin, kaya they will always have a special place in our hearts. Biruin nyo, ang unang sagot ni God sa prayers namin is pampaginhawa ng pakiramdam? Nakakalurky.
So sa kanila nag-start. From there, dumating na the other email responses. Ito na yung mga times na halos di na ako makatrabaho kakahintay ng emails. And like I mentioned, disadvantage ng email sender is ako din ang nag-aabang ng replies. Masaya naman because I got to be the first to get excited sa mga nag-yes.... but I was also always the first recipient of rejection. Masakit Bes. Ang sakit sakit.
Ang paghahanap ng sponsors, parang pag-ibig lang yan. So you put yourself out there, nagpaganda ka, you put the best version of yourself and offer everything you have-- puso at kaluluwa. Kailangan mo ng tibay ng loob, you have to know your worth, and you really have to be ready for rejection kasi, maraming nag-decline. We expected it na rin naman because hello, sino ba naman kasi kami diba? Pero pordalab and with unli prayers kay Papa God, nilakasan na rin namin loob namin. Pero alam mo yung paulit ulit kang umasa, pero paulit ulit kang nareject ng different people? Worse, yung iba, deadma talaga. Hanggang sa bandang huli, namanhid na lang ako. May mga times na umiyak talaga ako because ang sakit Bes, especially dun sa wala talaga kaming nakuhang response. I deserve an explanation! I deserve an acceptable reason! Ganern! Pero cheret lang shempre. Like I said, we expected the worst naman talaga. But just to give you an idea of what we went through, here.
Parang guys/love lang ang mga sponsors, bes:
- Yung love at first sight/first love. Neozep to, I swear. Sila yung minahal na kami agad kahit wala pang details. Walang tanong or pagdadalawang isip, gusto nila magparticipate. Kaya sila ang first love namin and pag-uwi ko ng Philippines, forever loyal na ako sa Neozep.
- Yung Paasa at Pahabol. Sila yung isusubmit daw sa supervisor or correct department pero never na sumagot ulit. Yun pala nag abroad na at may kinasama nang iba! Mga talipandas! Hahahah joke lang peace po.
- Yung hindi sure. Sila yung papag-isipan, pero eventually mukang nakalimutan na. Parang guys na hindi alam kung mahal ka nya or naaaliw lang sha sayo. Yung urong sulong ang puso. Yung hindi na lang sabihin nang diretso na “sorry, ayoko talaga sayo, bye.” hmp!
- Right love at the wrong time. Eto yung isa sa mga pinakamasaklap. Sila yung nag-decline kasi sayang, nabigay na nila sa iba their sponsorship budget for that period, but they really wanted to join. #sadlayp Sila yung isa sa mga iniyakan ko slight ng adobe. Nakakahinayang kasi sobrang short lang kasi ng notice.
- It’s not you, it’s me. Yung sponsors na hindi lang kasi talaga sila bagay para dun sa event.
- Protective. Sila yung tipong may walls around them at matinding protection sa sarili, takot masaktan bes. Hahaha joke. Sila yung may strict specifications sa lahat to protect the brand. And natuwa ako sa kanila, because I learned a lot about branding! O davah, bonggels! I didn’t know na lowercase or uppercase letters matter. Astig eh!
- Date date muna. Sila yung gusto formal meeting muna, which I think was fun based sa kwentos of my fellow OrgComm who met up with them. Nakakatuwa madiscover na mga fangirls/fanboys din talaga sila.
- May tulay. Sila yung hindi yung brand mismo yung kausap namin but a 3rd party na parang marketing/advertising company. Ang astig eh! I swear, it was super nakakaaliw yung mga natutunan ko dito.
- Tahimik magmahal. Sila yung walang kibo, ni ayaw magpa-mention, pero yung naitulong nila sa amin, wagas! *ubo PLDT Home DSL and Puregold ubo* huhubells we love you po talaga and thank you!
- Si Forever. I want to mention Coke because sila yung naging official partner namin. It’s still surreal for me until now. Sila ang forever namin I think. Pero like any real forever love, pinapaghirapan yan at dumadaan sa trials. Yung ligawan, pag-arrange ng dates na nagkakaaberya last minute, but in the end, sa altar este sa SMX din natuloy. heheheh
So yan, nilimit ko na lang sa 10 para bonggels.
But then, there’s Oishi. Okay, special mention ko ang Oishi because hari talaga siya ng hugot and twice ko siya iniyakan. Yes, siya ang iniyakan ko ng adobe nang bonggang bongga. Ito yung pag-ibig na niligawan mo, tapos naging MU kayo. Sobrang saya mo na for a few days. Araw araw kayo mag-usap, ganern, hanggang makatulog sa madaling araw hawak mo pa phone mo (literal. #TimezoneProbs). Tapos biglang isang araw, ayaw na nya. Nadurog ang puso ko Bes sa pakikipagbreak nya. I questioned everything that I believed in. I questioned my own feelings. (cheret! ang drama eh) Humagulgol ako na bonggang bongga, bes. Nagtanong ako sa Dyos kung may mali ba akong nagawa. Nagtanong ako kung anong pagkukulang ko. May mali ba akong sinabi? Ginawa ko naman lahat. Kinuskos ko naman. Pero wala pa rin. Nadurog pa rin ang puso ko. Wasak ako Bes. Madaling araw na nun. Umiiyak ako. Sabi ko, please, ako na lang… ako na lang ulit.
Nung una nag-hesitate pa ako sabihin sa OrgComm, kasi nahiya ako because I already told them about my relationship with Oishi. Masaya na silang lahat for me, tapos ganito? Pero shempre, as with how all pemilies should be, di ko na pinatagal and I told them. Umiyak ako sa kanila, as in hagulgol while typing sa GC. Shempre disappointed sila lahat, yung iba nga parang may galit pa sa nangyari eh. Pero alam nyo bakit mas lalo ako naiyak? Because when I showed the breakup letter (cheret) sa kanila, they cried with me (virtually and except Gab and Jill-- hindi umiiyak mga yan. hahaha peace lamyu). Nalungkot sila for me. Dinamayan nila ako. Hinayaan nila akong magmukmok at malungkot for myself. Natulog ako noon na umiiyak, Ate Charo. Hindi ko talaga kinaya. Tapos paggising ko, hindi ako agad sumilip sa GC. Heartbroken eh. Gusto ko lang maglasing sa tulog. Sakit pa ng ulo ko when I woke up and super swollen my eyes because of crying nga. Pero nag-viber sila sakin. Grabe lang yung pagmamahal ng OrgComm sa akin, I swear. So nag-viber sila to say na ok na ulit si Oishi. Nakikipagbalikan na daw. Umiyak ulit ako, Ate Charo. Hindi ko talaga kinaya. Hinintay nila ako gumising to ask if gusto kong makipagusap ulit. Pero naintindihan nila na wasak pa rin ang puso ko at di ganun kadali magmove on. So they replied for me. So yun. Nagkabalikan kami ng Oishi.... thus the title of this blog and Gab’s Oishi message for me:
Iba talaga yung naging experience ko sa part na to. Ang dami kong natutunan sa marketing, advertising, and basta yung ways ng bagay bagay in the Philippines. Nakakahanga talaga because everything was new to me and I am really thankful I got to experience this with the most patient and understanding people.
So yan ang kwento about Sponsorships. Heheh *pahid ng uhog*
Sa totoo lang, my journey to the ADNFest2016 was really like yung naranasan ko with Oishi-- yung roller coaster of emotions, yung puyat at pagod, yung both yes and no.
But aside from Sponsorships, sa committee din namin ang audit sheets and monitoring of payments and donations.
Literal na in one day, iyak tawa ako kasi tipong may magdedecline na sponsor, pero biglang may magpepledge or magdodonate sa gofundme. Not for the faint of heart ang magmonitor ng sponsor at pledge/donation emails. Nakakaloka sha Bes, but I regret nothing. And buti na lang na kahit papano nasaktan na ako enough to have a stronger heart for this. Hahahaha
Naenjoy ko yung pagsend ng emails. Naenjoy ko lalo yung audit sheets. Kaloka lang kapag di nagsubmit ng deposit receipt, bes! 😂 Naenjoy ko yung pagprint and cut ng IDs, especially Maine’s, Alden’s, and Matti’s. Nagsanay ako ng few Spanish sentences to bargain for the lanterns sa Mexican friend ng co-worker ko. And kinapalan ko fez ko na ipakipauwi kay Mel yung bigat na lanterns na yan to Pinas. So thank you again, Mel for taking them home! Hihihi
Nakakapagod because of the timezone yung puyat, but it was all worth it. Yung pakikipaglaban ko to okay yung pag-hire a last minute company for the livestream, jusko sa puyat ko nun, di na ako nakapasok sa work. Nakakamiss na actually (artista! hahaha), yung excitement, yung takot, yung kaba.
Yung tuwing may mag all caps ng GIRLS sa GC, nahuhulog puso ko because it meant something super duper major. We’re all mostly kalma naman kasi (thanks to Gab). So basta may nag all caps na, ay jusko, all eyes na kami sa messages. Here are some na naaalala ko na nahulog ako sa sahig because most of these happened while I was tulog. #TimezoneProbs
- Accidental meeting with Alden at Concha’s. Ito yung kwento ni Tere. Pero please don’t judge me. Hindi dun sa pagconfirm ni Alden ako nahulog sa sahig eh. Dito talaga:
Hindi ko kinaya, Bes. My Tentenatics heart could not take it. Gumulong talaga ako sa floor sa sobrang saya ko.
- Confirmation na dadating si Meng. Yung kilig at iyak ko nito umabot sa Saturn.
- Dadating daw si Ms Annette. Nakakaloka, Bes! Alam mo yung feeling ng sinabihan ka ng sister mo na dadating yung Tita mong artista from Hollywood, yung kahit alam mong cool tita sha, nakaka intimidate pa rin? Yun ang feeling ko kay Ms. Anette. Hahaha
- Yung may pasample ng performers’ rehearsals. Nung una ko nakita yung rehearsal ng Keep Holding On, hindi ako nakahold on Bes. Naglupasay ako sa floor. Huhubells!
- Yung pagtawag ng Coke kay Ate Shine. We never expected it kase.
Mga good news lang yan. Ayoko na isa isahin yung mga bad because masakit alalahanin. Basta just a few days before ng fest, kulang na lang sumuko na lang kami but we didn’t. Kinaya namin. Tulong tulong.
Nakakabaliw talaga Bes. Kase ang smart ko din na sumali pa ako sa drabble challenge ng AMACon 3 kahit halos mamatay na sa pagod sa ADNFest preps. Tipong ilang beses ako na sit down meeting ng boss ko and was asked if may personal problem daw ba ako. I mean, #paano mo ieexplain sa boss mo na “uhm... sorry, I just didn’t get any sleep because I audited deposit receipts for a fandom event.” Jusmiyo marimar. Halos di kami nagkita ng roommate ko nung 2months na yan because lagi lang ako nasa room. Pinagpalit ko na rin ang lablayp at kinalimutan si kras para hindi ako madistract. I think the only thing that kept me sane was ClingyTitas and really, the OrgComm. Kakaibang support system to. Wala kaming sinukuan na kahit ano. Laging sagot was “kaya natin to” or “kayang brasuhin ni Candy yan” or “hinahon muna tayo, may diplomatic answer si Gab dyan” or “sige, ask tayo ng help” or “teka, kalma tayo, let’s talk about this then vote” or “God will provide” or “pagpray natin.”
I really believe that because walang nega samin and lahat kami believed in each other (kahit later on, like a few days before the event we found out na we all started organizing with no knowledge whatsoever of what we’re supposed to do or what organizers actually do! Nakakatawa bes!), kaya kami nag succeed sa whatever we wanted to accomplish. Hindi naman sa nagbubuhat ng own bangko, but I’ll buhat na rin, but I think kung hindi sakto yung mga ugali namin with each other’s, baka nagsabunutan na kami, albeit virtually, dahil sa lahat ng trials.
Pero alam nyo, I really believe din sa divine intervention and that Papa God was really with us the whole time kaya wala kaming naging major trials na hindi namin kinaya. Heto mga ghostpumps moments:
Our first sponsor was Neozep through Ms. Mary. Parang sinend sa amin ni God si Mama Mary para gumaan yung pakiramdam namin. Kakaloka diba? After that, nagsunod sunod na. Thank you Ms. Mary, Neozep, and to all our sponsors!
Then there’s Ms. Miracle of Instamug who was just all too happy to provide our souvenirs. Souvenirs na we already gave up on sa simula pa lang. We said kasi na wag na magsouvenir kasi hindi nga keri, because budget jusko. Pero dumating sa buhay namin si Ms. Miracle and we got everything we wanted and more. Huhubells! Pati yung special request kong umbrella, meron! Ang saya saya!
Madami pa yan. Pero I’ll let them kwento na the rest dahil uhm ang haba na nito jusko, nagbabasa ka pa ba? Kung nakarating ka na sa part na to, tweet mo ko ng “@pandita0314 huhubells! Achievement unlocked” hahaha seryoso, gawin mo yan with HT por da ecanami, bago mo ituloy! 😂
Ayun. Basta ang point ko was lahat ng bagay, nakuhanan or nabigyan ng sagot. Lahat nagawan ng paraan. Lahat napag-usapan at naayos na matiwasay.
Nung mismong event na, bilang #TeamAbroadNgangaSaGanap ako, halos all day ako umiiyak. Yung emothyon ko, di ko na talaga napigil. Fine, nasa top 3 ako ng iyakin sa OrgComm, pero #PAANO ka naman kasi hindi maeemothyonal makita yung pinaghirapan ng group that you were a part of? Never pa ako naging part ng ganito. Then makita mo how happy the people were at the event. Mula sa mga pila, hanggang sa dance party sa Shut Up and Dance. Nakakaiyak! Yung pagdating ni Alden and Maine, bonus na cupcake na lang yun eh. Yung nagpang-abot sila, icing na lang yun ng cupcake. Yung kumanta si Alden, jusko sprinkles na lang yun nung icing ng cupcake. Pero yung nag-ikot sila at nalapitan ng mas maraming tao at nakapasok pa sila sa Creatives’ Nook? Bes, yun yung dambuhalang lifesize cake na nilabas out of nowhere at topping lang pala yung unang bonus na cupcake. Ganun namin hindi inexpect ang mga ganap. Kaya nakakaiyak. Hindi ako natulog hanggang di natapos yung LS. Nung humiga ako, nakatulog ako na umiiyak pa rin. Sobrang maga ng eyes ko when I woke up.
As closing, gusto ko ulitin what Maine said sa ADNFest na forever na sigurong nakaukit sa puso at isip ko: Sana, yung mga relationships/friendships na nabuo natin because of Maine and Alden, sana hindi yun mawala kahit anong mangyari.
Lahat tayo nagkakilakilala because of our love for Alden and Maine. ADNFest, for me, was a testament and celebration of that love. A lot of people came together to make this happen, and we cannot thank you all enough sa tulong. But more than that, mas dumami pa yung nabuong friendships because of ADNFest (shoutout to Team Alone No More/ @adnfestbabies). Dun ako talaga super duper proud na because of this simple event, yung mga dating mag-isang nagfafangirl/boy, ngayon may barkada na. Mas dumami pa ang friends natin and mas tumibay pa tayo as friends, pemily, fandom, and most especially as a nation.
Andami na nating pinagdaanan, bes, ngayon pa ba tayo susuko?
cue music: 🎶keep holding on… ‘cause you know we’ll make it through... 🎶
Pahabol na Shanaynay (P.S.)
See you sa ADN Summer Fest Cebu?
P.P.S.
See you din sa ADN Fest 2017?
*pabebe tawa and sukbit ng patilya sa tenga*
P.P.P.S.
Because of ADNFest, sinantabi ko ang lablayp ko. Nag-thrive ang pimples ko. Dumami ang gray hair ko. Lumaki eyebags ko at tumaas yung eyeglasses prescription ko bes! Hahahahaha But you know what? No regrets and I’d do this all over again with the OrgComm in a heartbeat. :)
- P (@pandita0314)